Pinayuhan ni Senador Nancy Binay ang pamahalaan na tugunan muna ang mga problema at ‘wag madaliin ang reopening ng isla ng Boracay.

“Dapat pala hindi pa natin pinag-uusapan kung kailan bubuksan. You are sending false hope kasi for investors [na] October puwede na kami mag-back to work, back to operation. Apparently because of this carrying capacity may posibilidad na Boracay is not yet ready to accommodate tourists o baka X number of tourists lang. Paano ang control mechanism kung X number of tourists lang ang puwedeng pumasok?” ani Binay.

Ipinahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na puwede nang buksan sa publiko ang Boracay sa Oktubre 26, mas maaga ng isang buwan sa sinabi ng gobyerno na sa Nobyembre pa.

Sa pagdinig sa Senado nabatid na mayroon lamang “carrying capacity” na 35,000 katao ang Boracay pero umaabot ito sa 60,000 sa mga ordinaryong araw at 110,000 sa peak season.

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay

-Leonel M. Abasola