Umakyat sa US$11.82 bilyon ang remittances na idinaan sa mga bangko nitong huling bahagi ng Mayo, inilahad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mas mataas ng 4.2 porsiyento kumpara sa $11.35B sa parehong panahon noong 2017.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., 78% ng cash remittances ay nagmula sa 10 bansa – ang United States, Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Qatar, Hongkong, Germany, at Kuwait.

Ang land-based workers ay nag-remit ng $1.9B habang ang sea-based workers ay nagpadala ng $500M. Tumaas din ang personal remittances ng overseas Filipinos ng 4.4% mula Enero hanggang Mayo, sa $13.17B.

Inaasahan ng BSP na papalo sa $29.2B ang cash remittances ngayong taon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Beth Camia