Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Alaska vs SMB

GANAP na mawalis ang Alaska Aces ang tatangkain ng San Miguel Beer sa muli nilang pakikipagtuos sa Game 3 ng kanilang best-of-five semifinal match up sa 2018 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakalapit ang defending champion Beermen sa finals makaraang makamit ang 2-0 bentahe sa serye pagkaraang gapiin ang No.2 seeded Aces nitong Lunes, 105-94.

Muling sasandigan ng Beermen para sa tangkang sweep sina import Renaldo Balkman at reigning league MVP Junemar Fajardo kabalikat sina Marcio Lassiter, Chris Ross, Alex Cabagnot at Arwind Santos.

Sisikapin naman silang pigilin nina Aces stars Sonny Thoss, Vic Manuel, JV Casio, Jeron Teng at import Diamon Simpson.

Sakaling magtagumpay, makukumpleto ng sixth seed Beermen ang upset sa second seed Aces.

Hataw si Balkman sa natipang 31 puntos at 10 rebounds para sa Beermen, naghabol sa 16 puntos na kalamangan sa second quarter, para maunsiyami ang Aces.

Nag-ambag si June Mar Fajardo ng 21 puntos at 18 rebounds, habang kumana si Chris Ross ng 16 puntos mula sa 4-of-6 shooting sa three-point area.

Samantala, kinansela kahapon ng PBA ang Game Two ng best-of-five semifinals series ng Barangay Ginebra San Miguel at Rain or Shine Elasto Painters.

“The PBA is cancelling its game today due to floods and the continuing inclement weather. Safety and security of the fans, players and officials are always of utmost importance,” pahayag sa inilabas na bulletin ng PBA.

“Game 2 of the best-of-5 semifinals series between Barangay Ginebra San Miguel and Rain or Shine Elastopainters is rescheduled on Thursday, July 19, 7:00pm at Smart Araneta Coliseum.”

Napilitang magkansela ng liga dahil sa malakas na pag ulan at mga pagbahang dulot ng bagyong ‘Henry; sa iba’t-ibang panig ng kapuluan partikular sa Kamaynilaan. Marivic Awitan

Iskor:

San Miguel (105) – Balkman 31, Fajardo 21, Ross 16, Cabagnot 14, Lassiter 8, Santos 5, Nabong 5, Heruela 3, Standhardinger 2.

Alaska (94) – Enciso 19, Simpson 19, Manuel 15, Teng 13, Casio 12, Thoss 6, Cruz 5, Galliguez 3, Racal 2, Baclao 0, Exciminiano 0.

Quarters: 18-29; 41-52; 79-74; 105-94.