Ilang lugar sa Luzon at Visayas ang napilitang magsuspinde ng klase kahapon bunsod ng masamang panahon na dulot ng bagyong ‘Henry’.

Batay sa ulat sa Department of Education (DepEd), kabilang sa mga nagsuspinde ng klase ang mga lungsod sa Metro Manila, dahil na rin sa pabugsu-bugsong pag-ulan na nagdulot ng malawakang baha.

Nagkansela rin ng klase ang ilang bayan at lungsod sa ilang lalawigan, kabilang ang Bulacan, Cavite, Bataan, Pampanga, Rizal, Batangas, Mindoro, Zambales, Cagayan, Laguna, at Palawan.

Dahil pa rin sa masamang panahon, kinansela na ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila kahapon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang naglabas ng Memorandum Circular No. 47 na nagsuspinde sa pasok sa trabaho at klase sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila, alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nauna na rito, kinansela ni Manila Mayor Joseph Estrada ang klase at trabaho sa siyudad pagsapit ng tanghali.

-Mary Ann Santiago at Genalyn D. Kabiling