Ang paglilitis sa kasong murder at planting of evidence laban sa tatlong dating pulis- Caloocan na inakusahang pumatay kay Kian Loyd Delos Santos, 17, ay maaaring maresolba ngayong taon dahil ang mga akusado na ang isasalang sa witness stand.

Ito ang sinabi ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 126 Judge Rodolfo Azucena, Jr. sa paglilitis kamakailan.

Nitong Huwebes, sinabi ni Azucena na “The motion for leave is denied, the prosecution has presented sufficient evidence,”

Ito ay matapos maghain ni defense lawyer Oliver Yuan ng demurrer of evidence dahil naayos na ng prosekusyon ang mga ebidensiya nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang demurrer of evidence ay isang mosyon na ibasura ang kaso base sa kakulangan ng prosekusyon sa ebidensiya. Bago maihain ang demurrer, kinakailangan munang aprubahan ng korte ang motion for leave.

Ito ay nangangahulugan na ang mga akusado – PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz ay isasalang sa witness stand matapos i-deny ng korte ang kanilang motion for leave.

Kinakailangan sagutin ng mga dating pulis ang ilang testimonya ng mga saksi at ang ibang ebidensiya na inihain ng prosekusyon.

Si Oares ang unang isasalang sa witness stand sa Agosto 6.

-Kate Louise Javier