SUKI ako ng Grab, at minsan na akong nakasakay na babae ang driver at madaldal si ‘Ateng’, dahil maraming tsika na kaya raw niya mas piniling maging TNVS driver ay dahil sarili niya ang oras niya. Kaysa raw mamasukan siya na nauubos ang oras niya sa biyahe dahil malayo ang pinagtatrabahuan niya, bukod pa sa hindi kataasan ang suweldo.

Kakai-and-Ahron

Single mom ang TNVS driver na nasakyan namin, at maayos daw niyang nabubuhay ang dalawa niyang anak sa pamamasada mula sa sarili na rin niyang sasakyan, kumpara noong namamasukan siya na hindi kasya sa lahat ng gastusin nilang mag-ina ang kinikita niya.

Marahil dito nagkaroon ng ideya si Volta de los Santos na sumulat ng istorya ng pelikulang Harry & Patty, na kuwento ng babaeng TNVS driver. Ang pagkakaiba lang ay dalaga ang gumanap, si Kakai Bautista, na love interest si Ahron Villena sa pelikulang produced ng Cineko Productions at distributed ng Star Cinema.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang pelikula ay idinirehe ni Julius Ruslin Alfonso, na siya ring direktor ng Deadma Walking.

Sa Harry & Patty kapwa nagbida sa unang pagkakataon sina Kakai at Ahron. Kadalasan kasi ay puro supporting roles lang ang ibinibigay sa kanila kahit na malaki ang exposure.

“Actually po, sa totoo lang, itong pelikulang ito, hindi ko ini-expect. Pareho kami actually ni Kakai, sa totoo lang. Nung in-offer po sa amin ito last December (2017), and may tina-target ‘yung producer na playdate, February o March sana this year. Maraming mga inayos, siyempre nagkaroon din ng mga problema, ganyan,” kuwento ni Ahron.

“Yung producer, gusto kami talaga ang gumawa. Sabi ko nga sa sarili ko, bakit kami? Bakit ako?

“Kasi kumbaga ako, never pa naman akong nagkaroon ng lead role sa pelikula or even sa serye. I’m happy kung ano man ‘yung kinahinatnan ng career ko.

“I’ve been in the business for 14 years. Kumbaga, may mga TV appearances ako, pero hindi ako nagle-lead, puro support lang o mga contravida roles, pero masaya na ako run. Pero at least tumagal ako, sabi ko sa sarili ko.

“And given this kind of opportunity (na magbida sa Harry and Patty), is a blessing. Hindi ko talaga tatanggihan. And sabi ko nga, ako puwedeng palitan, pero si Kakai, hindi.

“Pero sabi ko nga, I’m really happy na first major project ko sa big sceen, ay si Kakai pa ang kasama ko.

“Dun sa mga sumubaybay sa amin, sa nangyari sa amin dati (‘yung awayan nila ni Kakai), uunahan ko na kayo, hindi ito planado. Kami ay naging okey ni Kakai nung September (2017). I think birthday po ‘yun ni Freddie Bautista (manager), na aming kaibigan nung naging okey kami.

“And then the movie was offered after mga two months pa. Nung nag-meeting na kami, dun na ay totoo pala, okey, ayun.

“Siyempre ako, iga-grab ko talaga. Kumbaga, sino ba naman ako para tumanggi? Trabaho, eh. And okey naman kami na magkatrabaho na ni Kakai.”

Maraming nagsasabi na imposibleng hindi naging sina Ahron at Kakai, dahil parati silang magkasama sa lahat ng project lalo na sa ibang bansa, kaya tinanong ang una kung posibleng magkagusto siya sa aktres.

“To be honest, hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. As long as nakikita ko na may mabuting puso ‘yung tao. Eto kasi mahirap, eh, baka ma-quote na naman . (Baka sabihin) Ayan nagsalita na naman si Ahron, pa-fall na naman.

“Ako kasi naniniwala ako, na ‘yung love kasi, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung ganito ka, kung ‘yan ka. Basta nakikita mo na ‘yung taong kaharap mo, kasama mo, eh mabuti sa ‘yo. Marunong makisama, marunong makiharap, kumbaga ako, hindi ko masasabi. Mahirap magsalita nang tapos, to be honest, hindi ko alam.

“But right now, nag-e-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami, maayos kami. I don’t know. We’ll never know kung anong susunod na mangyayari,” pahayag ni Ahron.

Anyway, mapapanood na ang Harry & Patty sa Agosto 1, at kasama rin sa pelikula sina Carmi Martin, Heaven Perelejo, Mark Neuman, Bodjie Pascua, Donna Liza Salvador Cariaga, Joe Vargas, Lou Veloso, Soliman Cruz, at may special participation si Arci Muñoz.

-REGGEE BONOAN