ni Brian Yalung

SA kabilang kaliwa’t kanang mga liga sa basketball, naninindigan ang National Basketball League (NBL) para isulong ang programa na naglalayong mapataas ang kalidad at pagiging kompetitibo ng Pinoy basketball players.

LIDER ng NBL (mula sa kaliwa) sina Chairman Celso “Soy” Mercado, Commissioner Fernando “Nandy” Garcia at VP for Basketball Operations Edward Aquino. (BRIAN YALUNG)

LIDER ng NBL (mula sa kaliwa) sina Chairman Celso “Soy” Mercado, Commissioner Fernando “Nandy” Garcia at VP for Basketball Operations Edward Aquino. (BRIAN YALUNG)

Sa unang hinuha, aakalaing isang home-and-away basketball league ang NBL, ngunit, nakatuon ang liga sa pagdevelop ng mga players na may edad 18-29.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“In principle, we are not competing with any other league. If we compare our league, it is completely different. We are an alternative and complimentary league for players aged 18 to 29 years old,” pahayag ni NBL Chairman Celso “Soy” Mercado.

Iginiit ni Mercado na kahit nakatuon ang liga sa amateur level, bukas ang kanilang pintuan sa mga players na may mataas na ring antas ang kaalaman sa sports.

“Ang dine-develop natin dito yung homegrown talent na hindi nabigyan ng pagkakataon. However, we are not saying na di tayo mag-entertain ng talented players. Pero since we are beginning, we are focusing on homegrown muna. So wala munang import, para mabigyan sila ng chance,” aniya.

Para masiguro na hindi malilihis sa kanilang intensyon ang liga, kinuha nila para mangasiwa at magpatakbo ng tournament si dating PBA player Fernando “Nandy” Garcia bilang league commissioner.

Inamin ni Garcia na nagustuhan niya ang programa at kaagad na pinanabikan na maging bahagi nito.

“Sa mga unang meetings namin, ang gusto ni Chairman malaman ko yung advocacy niya. Second, yung experience ko as a player at pagiging commissioner sa iba’t ibang liga ang tingin kong maitutulong ko,” pahayag ni Garcia.

Sa mga hindi inabot ang career ni Garcia sa PBA, nakapalaro siya ng limang season (1989-93) sa koponan ng Anejo, Sarsi, at Alaska.

Ayon kay Garcia, malaking tulong sa mga players ang magkaroon ng sapat na exposure para madevelop ang kanilang mga talento.