Bakit mabilis na naresolba ng mga pulis ang pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote ngunit ang bagal ng pag-usad ng kaso ng pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili?

Ipinahayag ni Director General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang dahilan.

Una, sinabi ni Albayalde na 'di tulad ng kaso ni Mayor Bote, walang saksi na makatutukoy sa pagkakakilanlan ng armado o sa sasakyang ginamit sa pagpatay kay Mayor Halili.

Pangalawa, aniya, ang closed-circuit televisions (CCTV) camera na nakakabit sa iba’t ibang lugar sa Cabanatuan City ang naging daan ng mga imbestigador para matunton ang mga armado.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"As a result, our police investigators were able to identify the vehicles used and even some of those who participated," said Albayalde.

Pangatlo, ang kaso ni Mayor Bote at maging ni Father Richmond Nilo, ang mga clue na nadiskubre ng mga imbestigador ang naging sanhi upang kumprontahin at makorner ang mga posibleng suspek na kalaunan ay umamin at nagsimulang magsiwalat ng mga pangalan.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na patuloy ang pag-imbestiga ng awtoridad sa pagpatay kay Mayor Halili.

"There is a positive development on this case and we hope that this could also lead to the solving of the case," said Albayalde.

"We are also confident that the best practices that our police investigators did in the investigation on the case of Mayor Bote and that of Vice Mayor Alex Lubigan would help us crack the murder case of Mayor Halili," dagdag niya.

-Aaron Recuenco