SA pagwawagi ni eight-division titlist Manny Pacquiao via 7th round knockout kay Lucas Matthysse ng Argentina para maisuot ang WBA welterweight title, muling papapel si Top Rank big boss Bob Arum at irereto ang kanyang mga alagang boksingero na sina WBA lightweight champion Vasyl Lomachenko ng Ukraine at WBO welterweight champion Terence Crawford ng United States.

“I have to go over and speak with (Pacquiao). I have to speak with him about Lomachenko, I have to speak to him about Crawford. I have to speak with him and see what he wants to do,” sabi ni Arum sa BoxingScene.com.

Nang tanungin kung may karapatan pa siya sa promotional rights ni Pacquiao, aminado si Arum na hindi na kamukha ng dati ang relasyon ng Pinoy boxing icon na nagsarili na ng promosyon sa laban kay Matthysse.

“I have certain rights - but not the same rights as before. But we still have a great relationship. It was my people who helped get this thing on in a sense, it would’ve been a disaster if they weren’t there,” giit ni Arum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa unang pagkakataon mula noong 2009, nakapagpatumba ng karibal sa ring si Pacquiao na may rekord na ngayong 60-7-2 win-loss-draw na may 39 panalo sa knockouts.

Hindi maikakaila ni Arum na muli siyang napahanga ni Pacquiao sa performance nito kay Matthysse na primera klaseng knockout artist sa kartada ngayong 39 panalo, 5 talo na may 36 pagwawagi sa knockouts.

“I thought he looked terrific, this is the way he should fight. He’s been very, very tentative. Matthysse didn’t put up much of a fight but he was the old Manny as far as how he was moving and hitting from different angles,” diin ni Arum na nilinaw rin ang problema sa buwis ni Pacquiao sa ilalim ng kanyang pangangasiwa sa karera nito.

“I think the IRS problems are being sorted out as we speak,” dagdag ni Arum.

-Gilbert Espeña