Isang tricycle driver ang namatay makaraang pagbabarilin ng kapwa niya driver matapos silang magtalo habang nagsusugal sa lamay ng kanilang kapitbahay sa Baras, Rizal, nitong Linggo ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay si Rex Marino, 49, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang nakatakas naman si Erwin Solanoy, 46, na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad.

Batay sa ulat ng Baras Municipal Police, dakong 10:30 ng gabi nang mangyari ang krimen sa burol ng kapitbahay nina Marino at Solanoy sa Southville 9, sa Baras.

Naglalaro ng pusoy ang suspek at ang biktima nang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa umalis si Solanoy.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Nagulat na lang ang iba pang nakikipaglamay nang bumalik si Solanoy na may dalang baril at pinagbabaril si Marino saka tumakas.

-Mary Ann Santiago