TAIPEI – Matikas na sinimulan ng Team Philippines-Ateneo de Manila University ang kampanya nang gapiin ang Chinese-Taipei White, 87-64, nitong Linggo sa 2018 William Jones Cup.

Maagang umarya sa double digits na bentahe ang reigning UAAP champions, gamit ang malalintang depensa at impresibong outside shooting tungo sa morale-boosting win sa torneo.

Pinangunahan ni Thirdy Ravena ang ratsada ng Nationals sa naiskor na 17 puntos, pitong rebounds, tatlong steals at isang block, habang kumana ang 6-10 na si Ivorian Angelo Kouame ng 18 rebounds at 15 puntos at tumipa sina Jolo Mendoza at Isaac Go ng 11 at 10 puntops, ayon sa pagkakasunod.

Umarya ang Pinoy sa 48-33 advantage sa halftime.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iskor:

PHI (87) –- Ravena 17, Kouame 15, Mendoza 11, Go 10, Mt. Nieto 8, Verano 8, Mamuyac 4, Tio 4, Mi. Nieto 3, Asistio 3, Black 2, Navarro 2.

ROC II (64) –- Kao 16, Chi-Lin 15, Chien-Lin 12, Kuan-Yi 8, Chen 7, Wang 3, Wu 2, Chien 1, Lai 0, Lu 0, Sun 0, Hsu 0.

Quarter scores: 26-20, 48-33, 67-52, 87-64