Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8:00 n.u. -- UPHSD vs AU (jrs)

10:00 n.u. -- CSJL vs MU (jrs)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

12:00 n.t. -- UPHSD vs AU (srs)

2:00 n.h. -- CSJL vs MU (srs)

4:00 n.h. -- SBU vs JRU (srs)

6:00 n.g. -- SBU vs JRU (jrs)

SUMALO sa liderato na kasalukuyang okupado ng Lyceum of the Philippines ang tatangkain ng defending champion San Beda at Mapua University sa muli nilang pagsalang ngayong hapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Ang Lions na namayani kontra Altas, 67-65, noong opening day sa MOA Arena ay nakatakdang kalabanin ang Jose Rizal Unversity Bombers ganap 4:00 ngayong hapon habang haharapin naman ng Cardinals na nagwagi kontra Bombers, 72-60, nitong Huwebes sa unang NCAA on Tour game ngayong season ay sasagupain ang Letran Knights ganap na 2:00 ng hapon.

Ayon kay San Beda coach Boyet Fernandez, naka focus ang kanyang koponan sa gagawing execution ng kanilang game plan at maayos ang kanilang opensa pagkatapos ng naitala nilang 21-of-58 shooting mula sa field at 22-of-32 mula sa foul line na muntik na nilang ikinatalo sa Perpetual.

“We just devoted the last week more on shooting and execution,” wika ni Fernandez.

Para naman kay Cardinals coach Atoy Co, umaasa syang marami ps silang makikita mula sa mga rookies na sina dating Mapua Red Robins Warren Bonifacio at Eric Jabel.

“I’ve recruited them because I know they are good and I expect to see more from them,” sambit ni Co patungkol kina Bonifacio at Jabel.

Sa isa pang seniors match ikalawang sunod na panalo naman ang target ng Altas na marami ang ginugulat sa kanilang performance sa ilalim ng bagong coach na si Frankie Lim.

Sisikapin nilang masundan ang naitalang 78-75 na panalo kontra Knights noong Biyernes sa pangunguna ni Edgar Charcos, transferee mula University of the East, na nagtala ng career-high 27 puntos.

“We just want to prove that we can compete, I hope we got their respect,” ani Lim.

-Marivic Awitan