NAKATAKDANG idepensa ni International Master Jan Emmanuel Garcia ang tangan na titulo sa pagtulak ng 2nd Alphaland Open Chess championships sa Hulyo 29 sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place, Ayala Avenue, Makati City.
Si Garcia, head coach ng Ateneo de Manila University Chess Team ay nakalikom ng 6.5 puntos sa pitong laro para makopo ang titulo sa first edition nitong Hulyo 1.
Magkasalo naman sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto sina Julius Gonzales at Grandmaster (GM) elect Ronald Dableo na may tig 6.0 puntos habang nasa ika-4 hanggang ika-5 puwesto naman sina IM Paulo Bersamina at Vince Angelo Medina na may tig 5.5 puntos.
“The Tournament is open to all titled and non-titled players,” sabi ni Philippine Executive Chess Association (PECA) president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe na treasurer din ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
Ayon kay Atty. Orbe, ipapatupad ang 7-round Swiss System, 20 minutes plus five seconds delay format na ang magkakampeon ay tatangap ng P10,000 plus trophy, second place P5,000 plus trophy , third place P3,000 plus trophy, fourth place P2,000 at fifth place P1,000.
Ang registration sa NCFP-sanctioned event ay P500 bago mag July 28, 2018 habang P600 on-site registration.
Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan kina Atty. Cliburn Anthony Orbe sa 0918-897-4410, Dr. Jenny Mayor sa 0935-100, 4755, Dr. Alfredo “Fred” Paez sa 0921-272-8172, at NM Efren Bagamasbad sa 0915-720-9145.