Humirit ang mga magsasaka sa pamahalaan ni Pangulong Duterte na gaya ng mga tsuper ay ayudahan din sila sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pangunguna ni Edwin Y. Paraluman, chairman ng Philippine Farmers Advisory Board, umaapela ang mga magsasaka sa administrasyong Duterte na bigyan din sila ng fuel vouchers.

Tahasang iginiit ni Paraluman na ilang taon na umano nilang hinihiling sa pamahalaan, lalo na sa National Food Authority (NFA) ang nasabing ayuda, pero hanggang ngayon ay hindi sila napagbibigyan.

Anila, kung nagawaran ng fuel cards ang mga jeepney driver, dapat na mabigyan din ng subsidiya sa gasolina ang mga magsasaka.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Paraluman, apektado rin ang mga magsasaka sa pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo dahil gumagamit ang mga ito ng krudo sa kanilang machineries at equipment.

-Jun Fabon