TIYAK na aangat sa world rankings si WBO No. 3 super bantamweight Juan Miguel Elorde matapos niyang mapatulog sa 3rd round si dating WBC Asian Boxing Council Silver super flyweight champion Ratchanon Sawangsoda ng Thailand sa undercard ng “Fight of the Champions” card sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Linggo.

Maghahanda si Elorde, apo ng dakilang boksingero na si Gabriel “Flash” Elorde, para hamunin si WBO super bantamweight champion Isaac Dogboe ng Ghana dahil tiyak na magiging No. 1 ranked na siya sa susunod na WBO rankings.

Kabilang si Elorde sa apat na Pinoy boxers na nagwagi bukod kina Manny Pacquiao na tinalo si Lucas Matthysse sa 7th round knockout para maging WBA welterweight champion at Jhack Tepora na napatigil sa 9th round si Edilvaldo Ortega ng Mexico para maiuwi ang bakanteng WBA featherweight title.

Nagwagi rin sa puntos si Philippine welterweight champion Jayar Inson laban kay Australia-Victoria super lightweight titlist Terry Tzouramanis pero minalas si dating world ranked super featherweight Harminito dela Torre na napatulog sa 9th round ng walang talong si WBC ABC lightweight ruler Yongqiang Yang ng China.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natalo naman via TKO ang Pinoy boxer na si JR Magboo sa sparring partner ni Pacquiao na si WBO No. 11 lightweight George Kambosos Jr. ng Australia.

-Gilbert Espeña