“ONE thing (na napansin ko) ay parang matagal na silang magkakilala, they compliment each other very well.”

Direk Victor

Ito ang papuri ni Direk Victor Villanueva sa dalawang bida niya sa Kusina Kings, ng Star Cinema, na sina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez.

“So I didn’t have much problem sa pagbasa nila ng linya (script). Naturally lumalabas ‘yung pagka-comedian nila, especially si Empoy,” patuloy pa ni Direk Victor.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa ipinakitang trailer ng Kusina Kings sa nakaraang mediacon ay iisa ang komento ng lahat, “naughty” ang mga joke, dahil may double meaning.

Pawang pang lalaki ang jokes ng Kusina Kings, at nag-contribute raw ang mga artista para mas effective, bukod pa sa creative staff ng pelikula, sa pangunguna ni Direk Victor.

Umingay ang pangalan ni Direk Victor sa pelikulang Patay Na si Hesus, isa sa top-grosser films sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino. Indie ang Patay Na si Hesus, kaya natanong si Direk Victor kung paano siya nakatawid sa mainstream movie, tulad ng Kusina Kings.

“New learnings po sa transition sa mainstream. There are technical that I have to learn, new experiences na ganito pala ang proseso. Taga-Cebu talaga ako and I started filming 2010, accident lang na naging direktor ako kasi pinu-push lang ako ng friends ko na mag-direk na.

“Gusto ko lang talaga mag-produce. Before I was the co-producer sa first film ni Jerrold Tarog na Confessional, which was Cinema One Original. At doon na ako nagkainteres na magdirek kaya lumipat na ako ng Maynila kasi gusto kong i-try na gumawa ng pelikula.

“Along the way, tinuruan ako ng mentors ko, like sina Moira Lang, Jade Castro, Direk Joyce Bernal, so na-involve ako sa production nila,” kuwento ni direk Victor.

Ano ang pagkakaiba ng humor ng Patay Na Si Hesus at ng Kusina Kings?

“Natural lang naman, siguro dito (Kusina Kings), iniisip ko kung ano ang jokes na mag-work. ‘Yung Hesus kasi may pagka-personal project, parang I had that freedom na i-push ko talaga ‘yung boundaries doon.

“Dito (Kusina Kings) iba ang playing field, so, I have to learn a new process. So, parang inisip ko na gumagawa ako ng produkto na para sa lahat. I think, instinct naman ‘tong paggawa ng (style) ng comedy na ito,” paliwanag ng baguhang direktor.

Nag-enjoy si Direk Victor na gawin ang Kusina Kings dahil magagaling daw lahat ng cast niya.

“Ang dami nilang contributes, and they’re so fun to work with, hindi ako nahirapan sa kanila. Mas nahirapan ako sa all the cooking (scenes). Nababaliw ako na, paano ba ito lutuin kasi ang daming technical aspects to consider like this is the right to cut, the right way to grill. Mabuti na lang may consultant kami (chef) on the set, si Chef Tatung who also nag-appear din sa UKG (Umagang Kay Ganda). ‘Yun ang hardest aspect dito, but all in all, ang saya ng shoot ng pelikula namin.”

As a filmmaker, ano ang pinaka-enjoy si Direk Victor?“Also enjoyable is the collaboration. After ng lahat ng pagod makikita mo ‘yung work na nag-connect ‘yung jokes, nag-connect ‘yung story and that’s what enjoyable na marami kang mapapasayang tao. It resonates with them and it gives them something to give bright life on their day. ‘Yun ‘yung enjoyable at napupuno ‘yung inbox ko na nagpapasalamat kasi ginawa ko ‘tong pelikula.”

Umaasa si Direk Victor na sana magustuhan din ng tao ang humor niya sa Kusina Kings, tulad ng pagtanggap sa Patay Na Si Hesus.

Muling huhusgahan si Direk Victor at ang unang pagtatambal nina Zanjoe at Empoy sa Kusina Kings, na mapapanood sa Hulyo 25. Kasama rin sa pelikula sina Ryan Bang bilang kontrabida, sina Tiny Corpuz, Jun Sabayton, Joma Labayen, Hyubs Azarcon, Nonong Balinan, Maxine Medina, at Nathalie Hart.

-Reggee Bonoan