Hindi susuportahan ng mga opisyal ng barangay sa Valenzuela City ang pagsusulong ng gobyerno ng federal government, kapag inalis ng mga mambabatas ang Anti-Political Dynasty sa bersiyon ng Federal Constitution ng Consultative Committee.

Ito ang nagkakaisang pahayag nina No. 1 Kagawad “Rizalino “Bong “Ferrer, Ellaine Manalaysay, Manny Alfonso at Rodel De Leon ng Barangay Gen. T. De Leon, ng lungsod.

Nawalan ng gana sa federalism ang barangay officials sa lungsod, makaraang tanggalin ng bicameral conference committee ang panukalang Anti-Political Dynasty sa final bersiyon ng isinusulong nilang Bangsamoro Basic Law.

“Kaya nga kami sumusuporta sa federal kasi nais naming maipasa ang Anti-Political Dynasty, tapos tatanggalin lang,” paliwanag ni Ferrer. “Umiiral kasi sa sistema natin sa ibang mga rehiyon na halos mag-anak na ang namumuno. Tatay ang mayor, nanay ang representative, at anak ang gobernador.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Orly L. Barcala