HONOLULU (Reuters) - Tinamaan ng patak ng mainit na volcanic lava ang isang ocean tour boat sa baybayin ng Big Island ng Hawaii nitong Lunes, na ikinasugat ng 23 katao sa pinakamalalang casualty incident mula sa patuloy na pagputok ng Kilauea Volcano.

Ang malaking steam-driven explosion, dulot ng paghalo ng molten rock sa seawater sa pag-agos nito mula sa baybayin, ay lumikha ng “lava bomb” na sumalpok sa bubungan at sa seating area ng bangka, sinabi ng mga awtoridad.

Nagbalik ang 49-passenger-seat vessel na binansagang Hot Spot, sa daungan ng Hilo makalipas ang halos isang oras, at itinakbo sa ospital ang mga sugatan, ayon kay Hawaii County Fire Department Battalion chief Darwin Okinaka.

Sinabi ng Hawaii Department of Land and Natural Resources (DLNR) na ang bangka ay pinatatakbo ng Lava Ocean Tours, isa sa tatlong kumpanya na nag-aalok ng daily excursions sa mga pasahero na nagbabayad ng $220 bawat tao para mapanood mula sa bangka ang pag-agos ng lava sa dagat.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'