Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Ginebra vs Rain or Shine

MAITULOY ang nasimulang upset para makalapit sa pintuan ng finals ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra sa muli nilang pagtutuos ng top seed Rain or Shine ngayon sa Game Two ng kanilang best-of-five semifinals series para sa 2018 PBA Commissioners Cup.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Magtutuos ulit ang Kings at Elasto Painters ganap na 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Kinuha ng tropa ni coach Tim Cone ang 1-0 bentahe sa serye matapos durugin ang Rain or Shine nitong Linggo, 102-89.

Bukod sa eksplosibong performance mula sa import nilang si Justin Brownlee, nakahugot pa ang Kings ng inaasahan nilang laro mula kay Jeff Chan.

“As you can see, Jeff is a really great weapon when he has great players around him,” pagpuri ni Cone kay Chan na tumapos na may 21 puntos at 4 na rebuinds.“When there are players who can create openings from him, he’s really dynamic and he showed that tonight.”

Nagpapasalamat din si Cone na nagagawa nila ang mga kinakailangang malalaking plays sa tamang oras at pagkakataon na aniya’y inaasahan nyang magpapatuloy.

“We were able to make big plays at the right time and so far so good. I hope we can continue to do it.”

Bagamat nagawang manalo kahit wala si Japeth Aguilar, umaasa pa rin si Cone na makakalaro ito sa semifinals.

May iniindang pananakit sa kanyang Achilles tendon ang top forward ng Kings.

Umaasa namang makakabawi ang Elasto Painters upang itabla ang serye.

“Kaya nga series eh, para may chance makapag adjust.Babawi na lang kami next game,” ani ROS top gun James Yap.

-Marivic Awitan