Dahil sa umano’y madulas na kalsada, sumemplang ang isang motorsiklo na ikinamatay ng back rider nito, sa Taguig City, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Binawian ng buhay sa Taguig-Pateros District Hospital si Kai Posagak, nasa hustong gulang, dahil sa matinding pinsalang natamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Ginagamot pa sa kaparehong ospital si Kriza Inage, nasa hustong gulang, ng Taguig City, dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at katawan.

Sa ulat ng SPD, dakong 1:45 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa General Santos Avenue sa Barangay Upper Bicutan.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Minamaneho ni Inage ang Yamaha Mio motorcycle angkas si Posagak nang bigla siyang mawalan ng kontrol sa motorsiklo, hanggang sumemplang ang sasakyan at bumangga sa sementadong bangketa.

Tumilapon naman nang ilang metro ang mga biktima.

-Bella Gamotea