ANG daming nagtatanggol kay 2017 Reina Hispanoamericana Teresita Ssen “Wynwyn” Marquez sa pagpapahayag niya ng paniniwala na dapat na ipaubaya na lang sa mga natural-born woman ang Miss Universe pageant, at magkaroon ng sariling pageant ang mga transgender woman.

Wynwyn copy

Ito ay makaraang tanggapin bilang pambato ng Spain sa Miss Universe ngayong taon ang transgender woman na si Angela Ponce—ang kauna-unahang transgender contender sa pinakaprestihiyosong pageant sa mundo.

May mga beki rin na pabor sa point of view ni Wynwyn. Hindi lang maiwasang may mam-bash sa unang Asian Reina Hispanoamericana titlist, kahit pa kaagad namang ipinaliwanag ng aktres ang kanyang paniniwala sa isyu.

Relasyon at Hiwalayan

Mavy masaya para kina Kyline, Kobe

Kaya naman muling nagsalita si Wynwyn, at sana ay last time na niya ito sa pagpapaliwanag sa opinyon niya. Again, opinyon lang niya ‘yun, at wala siyang galit sa mga beki.

“Wag lang po sana hanggang headline lang tayo. I said I would prefer that Miss U would have natural-born women, but I will support Angela and the Miss U org in any endeavour they choose to commit themselves to. If pasasalihin talaga, then I have no problem with it and we all have to accept and respect yung decision, kahit iba ang opinion ko.

“Para nung INIMBITAHAN na sumali ang PH sa RHA madami nag-react at nagbigay ng sariling opinion nila. Yung ibang hindi sang-ayon nung sumali ako pero nirespeto pa din nila ang decision ng org at NIRESPETO din nila ako at hindi binastos.

“I am proud of the LGBTQ movement and how far they’ve come. Napakarami kong kaibigan na members ng LGBTQ. It’s good to have discussions on this topic and I encourage more people to come out with their opinions whether pro or against. Sana lang basahin natin nang maayos ang kumpletong sagot. At sana wag na lang tayo mambastos at mag-name calling.”

Anyway, sana nga ay matapos na ang isyung ito at tigilan na rin ang pamba-bash kay Wynwyn.

Mabuti na lang at wala pa kaming nababasang comment na ibo-boycott nila ang Unli Life movie nina Wynwyn at Vhong Navarro, na kalahok sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino, na showing sa August 15-21.

Nakakatawa ang nasabing Regal Entertainment movie, sa direksiyon ni Miko Livelo, dahil kasama rin sa pelikula ang ama ni Wynwyn na si Joey Marquez.

-Nitz Miralles