MARIING pinabulaanan ni Vice Ganda na ang basketbolistang si Terrence Romeo ang pinaringgan niya sa binanggit niyang “Hi, kumusta presinto?”sa isang segment sa It’s Showtime kamakailan.

Vice Ganda

“Nagbibiruan kami , message-message para sa mga ex mo. It’s not pertaining to anyone, bahala na kayo mag-isip,” paliwanag ng TV host/comedian. “ I ’ m s u r e gusto ninyong ma r i n i g na p a r a k a y Terrence Romeo ‘yun. Hindi po, hindi ‘yun para sa kanya.”

Sinamantala na naming tanungin si Vice tungkol sa isyu, pagkatapos ng storycon nitong Biyernes ng Fantastica, ang pelikula niyang entry ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2018.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-ugat ang isyung ito sa segment sa It’s Showtime nitong Hulyo 12 nang mapag-usapan nila ng contestant na puwedeng maging kaibigan ang ex. Pinabulaanan ito ni Vice. Aniya, puwedeng nag-uusap at okay, pero never na magiging magkaibigan.

Saka naman humirit ng tanong si Vhong Navarro kay Vice: “Kung may pagkakataon lang na mag-hi ka sa kanya, puwede bang mag-hi ka?”

Game naman itong sinagot ng TV host/comedian: “Hi, kumusta presinto?”

Trending ang sinabing ito ni Vice, at ipinalagay ng marami na ang tinutukoy niya ay ang naging kaibigan niyang basketbolistang si Terrence Romeo, n a n a s a n g k o t kama k a i l a n s a isang gulo sa bar sa Quezon City, at saglit na inanyayahan sa presinto.

Kaagad namang nilinaw ni Terrence na hindi siya nakulong, base na rin sa tweet niya.

Anyway, back to Fantastica, tampok din sa pelikula ni Vice sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Donny Pangilinan, Kisses Delavin, Maymay Entrata, Edward Barbers, Chocolate, MC, Lassy, Jacklyn Jose, Bela Padilla, at iba pa, sa direksiyon ni Barry Gonzalez.

-Reggee Bonoan