PUMANAW na si Nancy Sinatra, ang unang asawa ng yumaong legendary singer at aktor na si Frank Sinatra, nitong Biyernes sa edad na 101, tweet ng kanyang anak, na Nancy Sinatra rin ang pangalan.

Frank at Nancy

“My mother passed away peacefully tonight at the age of 101,” post ng mas batang Nancy, 78, sa kanyang official Twitter page. “She was a blessing and the light of my life. God speed, Momma. Thank you for everything.”

Nagpakasal si Nancy sa tinaguriang isa sa pinakapopular na bituin noong 20th Century, na bumida rins a blockbuster movies gaya ng From Here to Eternity at Guys and Dolls, at tanyag sa kanyang signature jazz song na New York, New York. Sina Frank at Nancy ay nagsama sa loob ng 12 taon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mayroong tatlong anak ang couple, na kapwa tubong New Jersey natives, at nagdiborisyo noong 1951, makaraang masangkot si Frank sa ilang extramarital affairs, na isinapubliko sa Hollywood gossip columns, ulat ng The New York Times.

Pinakasalan niya ang aktres at Hollywood bombshell na si Ava Gardner, sampung araw lamang mula nang makipagdiborsiyo kay Nancy.

Sa kabila nito ay nanatiling magkaibigan ang dalawa hanggang sa bawian ng buhay si Frank noong 1998 sa edad na 82, dahil sa atake sa puso.

Hindi na muling nagpakasal si Nancy at tahimik na namuhay sa Beverly Hills, California at itinuon na lamang niya ang pansin sa charity work.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang kinatawan ng pamilya nitong Sabado, at hindi pa inilalabas ang detalye ng kanyang pagpanaw.

-Reuters