Sa halip na mambatikos, dapat umanong tumulong na lang ang mga kritiko at ang publiko sa imbestigasyon ng pulisya, sa gitna ng mga puna hinggil sa umano’y kawalan ng kakayahan ng awtoridad sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan makaraan ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga pari at mga halal na opisyal.

Iginiit ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang kahalagahan ng kooperasyon ng publiko sa paglutas ng mga kaso, lalo na sa mga high-profile na kaso.

“Instead of criticizing law enforcement agencies, let us just help them to resolve these incidents,” ani Albayalde.

Ito ang naging tugon ni Albayalde kasunod ng pag-atake sa apat na pari sa loob lang ng pitong buwan, na ikinasawi ng tatlo sa mga ito. Binatikos din ang paghawak ng PNP sa imbestigasyom sa kaso ng pagpatay kay Fr. Richmond Nilo matapos arestuhin ang maling suspek.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Samantala, hindi naman bababa sa 15 mayor at vice mayor ang napatay simula noong Hulyo 2016. Ang huli ay ang pamamaril sa mukha ni dating Sto. Tomas, Batangas Vice Mayor Ferdinand Ramos.

“If the people would just help, there will always a big hope that we could solve these killings,” ani Albayalde.

Kabilang sa mga kritiko ng pulisya ang dating PNP Chief na si Senator Panfilo Lacson.

-Aaron Recuenco