NATAMO ng Pilipinong si Jhack Tepora ang bakanteng WBA featherweight title nang mapatigil niya sa 9th round si Edivaldo Ortega ng Mexico kahapon sa “Fight of Champions” card sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Halos patas ang sagupaan nina Tepora at Ortega pero biglang bumagsak sa right uppercut si Ortega at itinigil ng referee ang laban dahil groggy pa ang Mexican boxer.

“Unbeaten Jhack Tepora of Cebu City, Philippines, (22-0, 17 KOs) claimed the vacant WBA featherweight title with a ninth round TKO against Edivaldo ‘Indio’ Ortega (26-2-1, 12 KOs) of Tijuana, Mexico on Saturday night at the Axiata Arena in Kuala Lumpur, Malaysia,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“A close fight ended suddenly when Tepora dropped Ortega in round nine with an uppercut and got the stoppage with his follow-up barrage,” dagdag sa ulat.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang championship bout, nabigo ang Chinese boxer na si Lu Bin na maging kampeong pandaigdig sa kanyang ikalawang laban nang mapatigil siya ng walang ring talong si WBA light flyweight world champion Carlos “CCC” Canizales ng Venezuela sa 12th round ng kanilang kampeonato.

Nahablot naman ng 35-anyos na dating kampeon na si South African Moruti Mthalane ang bakanteng IBF flyweight title nang manaig laban kay Muhammad Waseem ng Pakistan via 12-round split decision.

Napabagsak ng walang talong si Waseen si Mthalane sa 11th round ngunit kinapos sa puntusan nang manaig ang South African sa manipis na 114-113, 114-113, 116-110.

-Gilbert Espeña