MOSCOW (AP) – Ipinagbunyi ng French National Men’s Football team ang ikalawang World Cup nang gapiin ang Coratia, 4-2, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Areola: Purong Pinoy na World Cup winner.

Areola: Purong Pinoy na World Cup winner.

Kinilala ng koponan ang kahalagahan ng pagkakaisa, teamwork at pagmamahal sa bayan, sakabila ng katotohanan na nagmula sa migranteng pamilya mula sa iba’t ibang bansa ang halos kahati sa miyembro ng French Team.

At kabilang ang lahing Pinoy sa matagumpay na kampanya ng France – sa ikalawang pagkakataon – sa World Cup.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinoy ang magulang ni Filipino-French goalkeeper Alphonse Areola.

KEEP CALM ! The World Cup is here ! CHAMPION DU MONDE ! — Alphonse Areola (@AreolaOfficiel) July 15, 2018, ang mensahe sa Twitter ni Areola.

Ipinanganak ng Pinoy immigrant sa France ang 25-anyos na si Areola. Miyembro siya ng National Youth team ng France mula noong 2008.

Itinanghal siyang bayani ng France sa 2013 FIFA U-20 World Cup Final nang ma-saved ang spot-kicks mula kina Uruguay’s Emiliano Velázquez at Giorgian De Arrascaeta sa penalty shootout para pangunahan ang kauna-unahang titulo ng France sa naturang torneo.

Nagsimula sa senior team si Areola, naglalaro sa club team Paris Saint-Germain, noong 2015. Noong 2011, inimbitahan si Areola na maglaro sa Philippine Azkals.

“I’m happy and proud of the Azkals because they have made rapid progression,” pahayag noon ng 19-anyos na Areola. “I used to tell my mother it was my dream to have a football team for the Philippines, and now it’s happening.”

Sa kasalukuyan, umaani ng tagumpay ang Azkals sa international tournament at kamakailan lamang ay nag-kwalipika sa 2018 AFC Asian Cup.