GAHIBLA lamang ang naging pagitan sa pagtatangka ni ONE Featherweight at Lightweight World Champion Martin “The Situ-Asian” Nguyen para tanghaling kauna-unahang three-division world champion.

NGUYEN: Asam ang kasaysayan sa ONE

NGUYEN: Asam ang kasaysayan sa ONE

Ngunit, nabigo siya kay Brazilian Bibiano Fernandes sa bantamweight cham pionship.

Sa kabila nito, target pa rin niyang matupad ang inaasam na tagumpay at ang panalo kay Singaporean rival Christian Lee sa rematch nitong May ay unang hakbang para sa inaasam na pedestal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

At tila magaganap ang lahat sa kanyang pagsagupa laban kay Team Lakay’s Kevin Belingon para sa ONE Interim Bantamweight World Championship bilang main event sa ONE: REIGN OF KINGS sa Hulyo 27 sa 20,000-seater MOA Arena.

“Bibiano Fernandes should watch this fight with a close eye. He knows who the rightful challenger is. It’s either me or Kevin Belingon, and I will be doing everything in my power to finish this one,” pahayag ni Nguyen.

“This is a fan-friendly match-up between two aggressive, young beasts, and I can’t wait to lock horns with Kevin. There will be fireworks,” aniya, patungkol sa duwelo sa maliksing si Belingon.

Kumpiyansa si Nguyen bunsod na rin ng matikas na kampanya sa kanyang huling laban sa Pilipinas noong Nobyembre laban kay Eduard Folayang.

“This match is going to be difficult. I always think that I am the underdog. I am happy to be the underdog, and I am happy to test myself against the best. However, it’s wrong to count me out Don’t ever do that,” aniya.

“I feel my advantages, to be blunt, have to be my championship round experience and my gas tank. Kevin is a complete mixed martial artist. Yes, he’s known for his striking, but he’s proved to the world he can also wrestle.”