KUNG meron man sa hanay ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang hindi basta-basta na lamang susuko sa laban, isa na d’yan si Jaycee Marcelino.

Sa nakaraan nilang laban kontra Emilio Aguinaldo College (EAC), nag-take over ang last season’s Rookie of the Year upang makaiwas ang kanilang koponan sa tangkang upset ng Generals.

Rumatsada si Marcelino sa fourth canto at isinalansan ang 13 sa kanyang career-best na 24 na puntos upang tulungan ang Pirates na maiposte ang 106-97 na panalo kontra EAC noong Biyernes.

“Ayaw ko matalo, eh, kaya pinag-pursigihan kong magtrabaho sa court para maibalik namin ang lamang namin at manalo kami,” ani Marcelino na kumulekta din ng 8 rebounds, 5 steals, at 2 rebounds.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Dahil sa kanyang ipinakitang laro, nakamit ni Marcelino ang unang Chooks-to-Go NCAA Player of the Week award ngayong NCAA Season 94.

Nagtala ang 20-anyos na guard ng average na 18.5 puntos, 6.5 rebounds, 3.0 assists at 3.5 saopening week ng Season 94 upang pamunuan ang Lyceum sa 2-0 panimula.

Nauna rito, nagtala si Marcelino noong opening weekend, ng 13 puntos, 5 rebounds, 4 assists, at 2 steals sa 85-80 panalo ng Lyceum kontra San Sebastian College.

Tinalo niya para sa weekly citation ang kapwa niya Pirate na si CJ Perez, Perpetual Help guard Edgar Charcos, Mapua guard Laurenz Victoria, San Beda veteran Robert Bolick, at San Sebastian forward Michael Calisaan.

“Yung mga ganitong laro, challenge ito sa amin para alam na namin ang dapat naming gawin pag ganito ulit ang nangyari,” pahayag ni Marcelino.

-Marivic Awitan