HINDI na kami nagtaka na umabot na sa 240 theaters ang nagpapalabas ng I Love You, Hater, dahil saksi kami nitong Sabado na maraming nanonood sa Gateway Cinema 2, at pami-pamilya ang dumadagsa s a mga sinehan para panoorin ang movie nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Kris Aquino.

Julia at Dennis

Ayon sa takilyera ng Gateway, hindi man sold-out pero malakas naman ang pelikula simula pa nitong Biyernes.

Nagtanong din kami sa kakilala namin sa Trinoma Cinema at malakas din daw ang night crowd nila nitong Sabado, kung saan palabas ang pelikula sa Cinema 2.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa Robinson’s Magnolia ay mataas ang tono ng kausap namin: “Yes, ma’am, malakas po ang I Love You, Hater.”

Hindi pa kami nakakapunta sa Eastwood Cinemas kaya hindi pa kami nakakakuha ng balita, kung saan palabas sa Citywalk 2 Cinema 1 ang I Love You, Hater.

Base naman sa kuwento ng mga kaibigan naming dumayo pa ng SM North EDSA, sobrang haba ng pila ng manonood ng I Love You, Hater sa Cinema 7, gayundin sa Cinema 2 sa SM North EDSA-The Block.

Kung ibabase marahil sa SM Cinemas ay tiyak na malakas ang pelikula ng JoshLia with Kris, dahil ito ang sinehan ng masa. Higit sa lahat, halos lahat ng lumabas ng sinehan ay halatang galing sa pag-iyak.

Anyway, sana mapanood ni Dennis Padilla ang pelikula ng anak niyang si Julia, dahil tiyak na makaka-relate siya. May pagkakahawig kasi ang istorya ng pelikula sa sitwasyon nila ngayong mag-ama, na minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Hindi sa eksenang hindi ipinakilala ni Dennis na anak niya si Julia, huh, kundi ‘yung hindi sila okay.

Hmm, nakakataka lang na ngayong may pelikula na naman si Julia ay sumakto namang hindi na naman sila okay ng tatay niyang si Dennis.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin niya si Dennis na may gusot na naman silang mag-ama dahil umano kay Joshua, na mariin namang itinanggi ni Julia.

Sa blogcon nina Julia, Joshua at Direk Giselle Andres ay klinaro ng aktres na hindi totoong ang aktor ang dahilan ng gusot nilang mag-ama.

“It’s not Joshua and I’m not gonna allow a guy to stand in between my family and I. It’s not about Joshua Garcia. I love my dad, I love my father and like I said kanina kung hindi ka na naaapektuhan sa kahit anong ginagawa ng isang tao, wala ka nang paki. Eh, mahal ko ‘yung tatay ko, so I care when he does something that hurts me, I care when he is doing something that it’s not okay,” paliwanag ni Julia.

‘Tila nagparinig pa ang aktres sa bloggers: “Unfair nga, kasi pagdating sa akin dapat perfect (na anak), pero ‘pag iba ang nagkakaproblema sa pamilya o sa mga kaibigan parang deadma kayong lahat. Pero pagdating sa akin parang magnified.”

Hindi na nagbigay ng detalye si Julia kung ano ang nangyari sa kanila ni Dennis.

“Something na hindi pareho ang opinion ng about something or maybe as a daughter kasi may feeling din naman ako bilang anak na may mga bagay na ginagawa rin ang isang magulang na nakakasakit sa isang anak, pero it’s very normal,” sabi ni Julia.

“At the end of the day, we are normal father and daughter. We are normal family, and I’m not a perfect daughter and there’s no perfect father. There’s no perfect anybody and there will be things na magkakaroon talaga ng misunderstanding,” aniya pa.

Ramdam namin ng mga oras na iyon na nasasaktan na naman si Julia dahil may isyu na naman sila ng tatay niya. Sana matapos na ito at magkapaliwanagan na, dahil ang ganda ng career ngayon ng aktres at alam naming nagsisikap siya nang husto para sa pamilya niya.

Maagap naman si Joshua kay Julia, dahil kaagad na niyang pinutol ang interbyuhan pagkatapos magpaliwanag ng aktres ng saloobin nito, saka niya ito inalalayan palayo.

-REGGEE BONOAN