MONTREAL (AFP) – Mawawala na ang clothing line ni Ivanka Trump sa mga estante ng Canadian retailer na Hudson’s Bay Company, sinabi ng kumpanya, mahigit isang taon matapos ayawan ng ilang US department stores ang items.

Ivanka copy

‘’Hudson’s Bay is phasing out this brand through the fall based on its performance,’’ saad sa email ng kumpanya sa AFP.

‘’As part of our regular course of business, we review our merchandise offerings and make appropriate changes,’’ ayon dito, nang hindi nagbibigay ng iba pang mga detalye.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kasama ang Canadian stores nito, ang Hudson’s Bay holdings sa Europe at North America ay kinabibilangan ng US retailers na Saks Fifth Avenue at Lord & Taylor.

Noong Pebrero 2017, sinabi ng US fashion chain na Nordstrom na inalis nito ang line of shoes and clothing ni Ivanka. Binanggit na dahilan ang mababang sales kasunod ng kampanya para iboykot ang mga tindahan na nakikipagnegosyo sa pamilya ni US President Donald Trump.

Hindi na rin itinuloy ng Neiman Marcus stores ang line.

Si Ivanka ay nagsisilbing adviser ng kanyang ama.

Nagalit ang maraming Canadians sa US president nang mag-tweet siya na si Prime Minister Justin Trudeau ay ‘’very dishonest and weak’’ sa pagtatapos ng G7 summit na hosted ng Canada.