LONDON (AFP) –Isang Emirati prince ang humihiling ng asylum sa Qatar matapos tumakas sa UAE sinabing nangangamba siya para sa kanyang buhay dahil sa iringan ng mga namumuno sa Abu Dhabi, iniulat ng New York Times nitong Linggo.

Si Sheikh Rashid bin Hamad al-Sharqi, 31, ay ang pangalawang anak na lalaki ng emir ng Fujairah, isa sa anim na monarkiya na bumubuo sa United Arab Emirates. Dumating siya sa Doha nitong Mayo 16, saad sa ulat. Ang Abu Dhabi ay ang kabisera at pinakamayamang emirate ng UAE.

Nagsalita sa New York Times, inakusahan ni Sheikh Rashid ang Emirati rulers ng blackmail at money laundering ngunit walang ibinigay na ebidensiya para suportahan ang kanyang mga paratang.

Pinangunahan ng UAE at Saudi Arabia ang kampanya para i-isolate ang Qatar.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture