PETERSBURG, Russia (AP) — Nakamit ng Belgium ang pinakamataas na pagtatapos sa kampanya sa World Cup nang gapiin ang England, 2-0, para sa ikatlong puwesto nitong Sabado (Linggo sa Manila).

NAGDIWANG sina Eden Hazard (kaliwa) at Dries Mertens matapos makaiskor para sa Belgium tungo sa 2-0 panalo kontra sa England at makamit ang ikatlong puwesti sa 2018 World Cup. (AP)

NAGDIWANG sina Eden Hazard (kaliwa) at Dries Mertens matapos makaiskor para sa Belgium tungo sa 2-0 panalo kontra sa England at makamit ang ikatlong puwesti sa 2018 World Cup. (AP)

KUmana sina Thomas Meunier at Eden Hazard ng goal para sa Belgians, nagapi ng France sa semifinals nitong Martes.

Nakaiskor si Meunier sa ika-apat na minuto mula sa pasa ni Nacer Chadli at laban sa depensa ni England goalkeeper Jordan Pickford. Sinundan ito ni Hazard mulka sa pasa ni Kevin de Bruyne sa ika-82 minuto.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napigil ni Toby Alderweireld ang pagtatangka ng England na makaiskor nang madepensahan ang tira ni Eric Dier.

Napantayan ng England, natalo sa Croatia sa semifinals, ang pinakamayaas na pagtatapos sa World Cup – ikaapat noong 1990 — mula nang maging kampeon noong 1966.

Magtutos ang France at Croatia sa Finals sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Luzhniki Stadium sa Moscow.