SA grand media launch ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Chairperson Liza Diño para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018 finalists, kay daming kabataang artista ang dumalo pero kaunti lang ang nakita naming beterano, gaya nina Boots Anson-Roa at Elizabeth Oropeza.

Natanong sila ni Yours Truly kung naniniwala ba sila sa kasabihan na sa showbiz, hindi lang napapalitan ang mga artista kundi nadadagdagan pa.

“Ahh, napakagandang tanong, Mercy. Lalo na sa isang tulad mo na inabot din ang kapanahunan namin noon,” natatawang sabi ni Ms Boots.

“Ayan, tumatawa si Elizabeth Oropeza. Ah, iba ‘yung kuryente or the electricity that I feel here now. Well, I can see the passion, excitement, intensity. Palagay ko hindi ‘yan dala lang ng kabataan, hindi lang pagmamahal sa industriya, pagmamahal sa ginagawa natin sa ating craft.“I’m sure Direk Joey Javier Reyes and Direk Carlitos (Siguion-Reyna) and Elizabeth and... ahh, wala na akong masabi. Kasi pulos mga bata itong mga andito, eh. Ha, ha, ha. I’m sure they will agree with you that, yes, hindi nawawala, hindi napapalitan ang mga veterans or vintage na sa pelikula, kundi nadadagdagan pa. And I think it’s because narito pa rin kami. At active pa rin po kami, at marami kaming mga kasama na nagsimula nung 60s, 70s, and 80s na hanggang ngayon ay aktibo pa rin po.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

So, okay lang sa kanya na taun-taong nadadagdagan ang mga datihang artista ng mga bago at sumisibol na mga artista ngayon?“Ah, yes. Alam mo sa estado namin ngayon, wala naman kaming insecurities about ‘yung kung mawawala kami or natatabunan kami. I think we all belong na sa isang pelikula or sa teatro. There is no such thing as small roles, there’s no such thing as mini-role participation. Acting is more significant and a small role can be made significant by a performer,” napakagandang pahayag ni Ms Boots.

“Artist will always be forever an artist. Parang doctor ‘yan na tumatagal sa propesyon. Lalo na kung artista kang totoo, madadagdagan nga pero hindi nawawala. Na hanggang mamatay, artista ka pa rin,” sabi naman ni La Oro.

“Ngayon ‘yung mga natitirang katulad namin, katulad nga ng sinabi ni Ate Boots, meron talagang natitira, dahil buhay pa. Saka ‘yung mga katulad namin, kailangan kami ng mga kabataang artista sa ngayon, kasi ang isang pelikula hindi puwedeng pulos bata ang gaganap. Kailangan pa rin nila ang mga senior stars or vintage stars to support them and to help them.

“At saka marami pa rin naman kaming naitutulong at maituturo na sa kanila kung ano ang meron noon sa amin. Ngayon, ang mga kabataang artista hindi kailangan mag-alala kung sakaling ma-take five pero kami noon, hanggang take two lang kasi mahal ang negatibo na binibili ng mga producers noon. Eh, ngayon madali na ang mag-delete.

“Sa akin, walang problema kung nadadagdagan man ang mga artista ngayon, basta andito pa rin kaming mga naiiwan,” dagdag pa ni Ms Elizabeth.

Wish lang namin na gaya nina Ms Boots at Ms Elizabeth ay makapag-iwan din ng magandang pamana o tatak sa Philippine showbiz cinema ang mga baguhang artista sa ngayon.

-MERCY LEJARDE