HINDI sinang-ayunan at tuluyan nang ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa host-actor na si Vhong Navarro.

Vhong copy

Base sa desisyon ng DoJ, hindi pinayagan ang apela ni Deniece na baligtarin ang naging review resolution ng DoJ Prosecutor’s General noong September 6, 2017, dahil sa inconsistencies sa kanyang nilagdaang affidavit.

Matatandaang binaligtad ng DoJ prosecutors ang unang rekomendasyon ng Korte na kasuhan ng panggagahasa ang Its’ Showtime host.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noon pang April, 30, 2018 ay inilabas na ng DoJ ang desisyon tungkol sa kasong ito, ngunit nito lamang Huwebes, July 12, nakakuha ng kopya ang ABS-CBN News.

Base sa 20 pahinang desisyon ng DoJ, walang matibay na ebidensiya ang kampo ni Deniece upang sampahan ng kasong rape si Vhong.

Nakasaad sa desisyon, “(There is) no sufficient evidence to warrant indictment for rape and attempted rape, there is no compulsion to indict him accordingly.”

Ayon pa sa resolusyon, “(Cornejo) suffers from a very serious credibility issue (due to) major inconsistencies” sa kanyang tatlong pahinang complaint affidavits.

Kinauhan ni Deniece si Vhong ng kasong panggagahasa noong January 2014.

Sa kanyang unang affidavit, sinabi niyang walang rape na nangyari. Ngunit sa kanyang pangalawang affidavit, sinabi niyang ginahasa siya ni Vhong.

Sa kanyang ikatlong affidavit, inihayag ng modelo na talagang ginahasa umano siya ng aktor dahil nahilo raw siya sa ipinainom na alak ng TV host, na may halong droga.

Sangkot din sa kaso ang negosyanteng si Cedric Lee, at mga kaibigan nitong sina Zimmer Raz, Jed Fernandez, at Ferdinand Guerrero.

-SALVADOR SALUTA