Matapos mabigo ang Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa panukalang isailalim sa drug test ang mga mag-aaral sa elementarya, hinihiling na­man nito na ituloy ang drug testing para sa high school at college students.

Ito ang ipinahiwatig ni PDEA chief Director General Aaron Aquino sa Department of Educa­tion (DepEd) nang makipagpu­long siya sa mga DepEd officials, kamakailan.

“Before the meeting ended, sinabi ko baka pwede naman nilang pagbigyan na lang na magkaroon ng mandatory drug test ang secondary and tertiary, kahit ‘yun na lang muna,” sabi ni Aquino.

Ang sistemang random drug testing sa mga estudyante ay hindi epektibo dahil “hindi mo natutukoy o tinatamaan ang da­pat i-drug-test,” aniya.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Mahigit kalahati ng mga menor de edad na naaresto da­hil sa ilegal na droga ay mga estudyante, ayon sa PDEA.

Dagdag pa ni Aquino, nasa Kongreso ang desisyon kung ipatutupad ang drug testing sa lahat ng estudyante dahil kailan­gan nitong amyendahan ang RA 9165 o Comprehensive Danger­ous Drugs Act of 2002.

Nakasaad sa batas na, “Stu­dents of secondary and tertiary schools shall, pursuant to the related rules and regulations as contained in the school’s student handbook and with notice to the parents, undergo a random drug testing.”

-FER TABOY