BILANG bahagi ng proyektong “Pasasalamat,” nagbahagi ang overseas Filipino workers (OFW) ng P1.5 milyong donasyon sa dalawang benepisyaryo sa Camp Crame, Quezon City, nitong Huwebes.

Sa ikalawang pagkakataon ng “Pasasalamat,” isang inisyatibo ng iba’t ibang samahan ng mga OFWs sa buong mundo, kabilang ang mga nagtatrabaho sa Estados Unidos, Hong Kong, Kuwait, Australia, United Kingdom at iba pang mga bansa, nagbigay ang samahan ng donasyon sa House of Hope Foundation for Kids with Cancer at sa Philippine Association of Court Employee.

Ayon kay Gemma Sotto, pangulo ng Diehard Duterte Supporters Global at punong tagapangasiwa, ang nasabing inisyatibo ay pagpapakita ng kanilang suporta sa kasalukuyang administrasyon, kahit na sila ay nasa ibang bansa.

“We did the first time in Davao City, that was themed Pasalamat sa Presidente. This time we’re doing the Pasasalamat sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines and Judiciary,” aniya.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“We feel the difference. Because we trust and we have hope that it’s different, we want to show our appreciation,” dagdag pa Sotto, na tinutukoy ang positibong mga pagbabagong hatid at mga gawain ng kasalukuyang administrasyon.

Dumalo sa pagtitipon sina PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III, Court Administrator Jose Midas Marquez, Representative Aniceto Bertiz, Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac, OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio, at ilan pang opisyal ng pamahalaan.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang Palasyo, sa pamamagitan ng isang liham, na inihatid ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

“Sa ngalan ng mga tunay na taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nagpapasalamat kami sa mga bagong bayani na patuloy na nag-aambag sa ating ekonomiya at lipunan sa napakaraming paraan,” nakasaad sa liham.

PNA