Inilunsad kahapon ng Department of Education (DepEd) ang programang ‘OK sa DepEd’ o Oplan Kalusugan para matiyak na ang lahat ng bata ay napagkakalooban ng primary health at dental care.

Isinagawa ang national launch ng programa sa Pembo Elementary School sa Makati City sa pangunguna ni Education Secretary Leonor Magtolis-Briones.

Nakapaloob sa OK sa DepEd program ang pagsasagawa ng School- Based Feeding Program; Drug Education Campaign; Adolescent Reproductive Health Education Program; Water, Sanitation and Hygiene Program; at medical, dental, at nursing services. Highlights ng programa ang “One Health Week” na maglalatag ng health activities sa mga paaralan.

-Mary Ann Santiago

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist