“NGAYON lang ako bumilib sa 47 years ko sa industriya (showbiz) sa isang baguhang kagaya niya (Arjo Atayde) saludo ako, hands off ako,” ito ang diretsong sagot ni Ms. Maricel Soriano sa panayam sa kanya ng Push.com pagkatapos nitong tanggapin ang Film Icon award sa 2nd Eddys Awards night, nitong Lunes.

Maricel

Tinanong kasi kung anong project ang aabangan kay Marya at nabanggit niya ang seryeng The General’s Daughter na pagbibidahan ni Angel Locsin, ngunit hindi pa alam kung kailan ito ipalalabas.

Si Arjo ay gaganap na anak ni Ms. Maricel. May autism ang karakter dito ni Arjo at panibagong challenge na naman ito para sa aktor.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kailan kaya ipalalabas ang The General’s Daughter? Halos lahat kasi ng panayam kay Marya ay hindi mawawala ang pagpuri niya kay Arjo. Hangang-hanga umano siya sa aktor at nabanggit din niya sa isang katsikahan na ibang-iba raw umarte ang anak ni Sylvia Sanchez.

Grabe, huh, coming from Maricel Soriano na isang icon sa industriya ng showbiz ay masyado niyang itinaas si Arjo, kaya curious din kaming mapanood na ang nasabing serye.

Matatandaang nagmarka ang karakter ni Arjo bilang si Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano, at hanggang ngayon ay Joaquin pa rin ang tawag sa kanya.

Samantala, marahil ay magmamarka rin ang karakter ng aktor sa pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Mapapanood na ang movie sa August 1 mula sa direksyon ni Erik Matti handog ng Viva Films at Reality Entertainment.

Going back to Maricel, puring-puri rin niya ang bida ng The General’s Daughter na si Angel, “napakahusay niya saka very professional.”

Aba’y oo naman, iisa naman ang narinig naming komento sa lahat ng mga nakatrabaho ni Angel, totoong propesyunal at napakahusay na artista ng aktres.

Tumatak na sa industriya at sa publiko ang galing ng mga artistang kabilang sa The General’s Daughter gaya nina Tirso Cruz 111, Albert Martinez, Janice de Belen, Eula Valdez at Art Acuna. Kasama rin sa serye sina JC de Vera, Paulo Avelino, Ryza Cenon, Bernard Palanca at marami pang iba, kaya naman kaabang-abang talaga ang serye.

Ang The General’s Daughter ay mula sa Dreamscape Entertainment.

-REGGEE BONOAN