Hindi na kailangan pang baguhin ang Saligang Batas kung ang balak lamang ng mga nagsusulong ng federalismo ay desentralisasyon dahil mayroon namang batas na ibinibigay sa local government units ang pagpapalakad sa ilang ahensiya.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, nakapaloob na ito sa kasalukuyang Local Government Code, at ang maayos na pagpapatupad nito ang tugon sa isinusulong na federal system of government.

“If the objective is genuine decentralization and devolution, why revise the PH Constitution and divide the nation? We only need to implement the Local Government Code and achieve the same purpose,” giit ni Lacson.

-Leonel M. Abasola

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho