Na-screenshot ni Kristoffer Martin ang posts sa kanyang IG story na naglalaman ng mga malalaswang tanong mula sa fans, nang magpa-Q&A siya sa Twitter. May sagot din si Kristoffer sa bawat malaswang tanong sa kanya.

Kristoffer

Halimbawa sa tanong, “magkano ka?”, “may experience ka na sa gay?”, “magkano ka sa isang gabi?”, “top or bottom?”, “daks ka ba?” at iba pang offending questions.

Kilala ni Kristoffer kung sino ang mga nagtanong, kaya naman nag-comment siya ng: “Sila yung pinakasensitive na group pero ang dadami ring ang babastos. Ano nakukuha natin sa mga tanong na, “malaki ba?” “Magkano ka sa isang gabi?” Top or bottom?” “Daks ka ba?”. Yayaman po ba Pilipinas dito mga ser?”

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

“Ser” ang itinawag ni Kristoffer sa mga nagtanong ng bastos sa kanya and in fairness, may mga nag-sorry sa kanya.

Ilan sa nabasa namin, “On behalf of LGBTQ+ Sorry po” at “I’m sorry you had to experience that. Nobody should ever be talked to that way.”

Dahil sa mga ganoong tanong, itinigil ni Kristoffer ang Q&A na pinanghinayangan ng ibang Kapuso viewers, dahil marami pa sana ang itatanong nila sa aktor, lalo na at first time nitong mag-Q&A.

Samantala, inanunsiyo na, pero hindi pa ipinapakita sa teaser ng Victor Magtanggol si Kristoffer. Kasama siya sa cast ng fantaserye na pagbibidahan ni Alden Richards at excited siya sa first contravida role niya.

Gagampanan ni Kristoffer ang role ni Lance, stepbrother ni Gwen Regalado (Janine Gutierrez) na leading lady ni Victor (Alden).

-NITZ MIRALLES