MARAMI sa constituents ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang natutuwa dahil aktibo nang nag-iikot sa siyudad ang kapatid ng alkalde na si Councilor Hero Bautista.

Hero

Matatandaang halos isang taong nagpa-rehab si Councilor Hero dahil sa pagiging user ng ipinagbabawal na gamot.

Parang kay bilis ng panahon, ngayon ay very cooperative si Hero sa kanyang mga kasamahan sa Konseho ng Kyusi. Siyempre, full support din kay Hero si Mayor Herbert at ang kapatid nilang si Harlene Bautista.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayaw munang magkomento ni Hero kung kakandidato uli siya sa susunod na eleksiyon.

Kumbaga, ayon sa kanya, depende pa rin daw ang kanyang pasya sa magiging takbo ng pulitika, at kung anong posisyon ang aasintahin ng kapatid niyang Mayor Bistek, na nasa huling termino na.

Banggit pa ni Councilor Hero, sa ngayon daw ay “all out ang support” niya para sa kanyang kapatid na alkalde, na posible raw kumandidatong congressman, huh!

Ikinuwento rin ni Hero na siya raw ang madalas na dumadalo sa mga okasyon na imbitado si Mayor Herbert, pero hindi mapupuntahan ng huli. Kumbaga, si Councilor Hero ang official proxy ni Mayor Herbert, huh!

Samantala, handang-handa na rin si Hero na harapin ang kanyang first directorial job na Kung Fu Pandak, na bukod sa siya ang direktor ay siya rin ang sumulat ng script.

-Jimi C. Escala