Pinababawi ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang inilabas nitong desisyon na nag-aabsuwelto sa mag-asawang dating Leyte Governor Benjamin “Kokoy” Romualdez at Juliette Gomez-Romualdez, sa kaso nilang sibil.

Sa motion for reconsideration, binigyang-diin ng Office of the Special Prosecutor (OSP) na mayroon itong hurisdiksiyon sa kaso ng mag-asawang Romualdez.

Ginamit ng anti-graft court ang rasong "lack of authority" upang maibasura ang kaso laban sa mag-asawa.

"There is no quibbling that the Office of the Ombudsman is imbued with powers and authority to investigate ill-gotten and/or unexplained wealth and institute forfeiture proceedings," bahagi ng mosyon ng Ombudsman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nag-ugat ang usapin s a isinampa ng Ombudsman na petition for forfeiture sa mga ari-arian ng mag-asawa na umano’y nakuha sa ilegal na pamamaraan.

T i n u k o y n g OS P a n g $5,193,726.37 na natagpuan sa bank accounts ng mga ito sa Union Bank of Geneva AG Geneva noong Mayo 31, 2003 at ngayo’y nasa pag-iingat ng Philippine National Bank (PNB) hanggang hindi nareresolba ang usapin.

-Czarina Nicole O. Ong