Ibinunyag na umano ng dalawang suspek sa pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, na naaresto sa Camarines Sur kamakailan, ang nagpapatay sa alkalde.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, inamin umano nina Florencio Suarez at Robert Gumacay na sila ang bumaril kay Bote sa Cabanatuan City, nitong Hulyo 3.

Aniya, inamin ni Suarez na kasama siya sa bumaril sa alkalde nang tambangan nila ito sa tapat ng gusali ng National Irrigatioinb Administration (NIA) sa nasabing lungsod.

“They admitted that they were hired. That’s why the person he mentioned, whom we cannot name right now, is a subject of our manhunt. He is now a person of interest,” ayon kay Albayalde.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaresto ng pulisya sina Suarez at Gumacay habang sakay sa kotse sa isang checkpoint sa Del Gallego, Camarines Sur, nitong Miyerkules.

“The main motive here is business. Apparently, he had a main business competitor at the NIA, that’s the reason probably why he went to the NIA before he was shot,” sabi pa ni Albayalde, at idinagdag na tatlo pang katao ang tinutugis nila sa nasabing kaso.

-AARON B. RECUENCO