NAIS gumawa ng kasaysayan ng unang transgender woman na makikipagtungggali sa Miss Universe pageant, upang maging modelo para sa mga trans children sa buong mundo – masungkit man niya ang korona o hindi.

Angela copy

Tinalo ng 26 taong gulang na si Angela Ponce ang 20 iba pang kalahok sa Miss Universe Spain gala noong Hunyo 29, para maging kinatawan sa global pageant.

Matatandaan na pinayagan ang pagsali ng mga transgender sa prestihiyosong timpalak simula pa noong 2012.

Tsika at Intriga

Jonathan Manalo, binira si VP Sara sa pagbanggit kay Ninoy laban kay PBBM

Samantala, hindi pa naiaanunsiyo ang lokasyon at petsa ng naturang paligsahan ngayong taon. Plano umano gamitin ni Ponce ang pageant bilang platform, upang makatulong na mabawasan ang mataas na rate ng suicide sa mga trans teenagers.

“If my going through all this contributes to the world moving a little step forward, then that’s a personal crown that will always accompany me,” sabi ni Ponce sa The Associated Press sa opisina ng Miss Universe franchise sa central Madrid.

Sa pag-aaral na inilathala ng European transgender group na TGEU noong nakaraang taon, napag-alaman na 77.5 porsyento ng sa 885 transgender people na higit 16 taong gulang sa Georgia, Poland, Serbia, Spain at Sweden ay umaming naisipan nilang kitilin ang sariling buhay at 24.5 porsyento naman sa mga respondent ang nagtangkang magpakamatay.

Inihayag ni Ponce na dumanas siya ng diskriminasyon noon bilang isang modelo, nare-reject rin umano siya sa mga fashion events o shoots kapag nadiskubre ng mga designer o organizer na sumailalim siya sa sex reassignment procedure.

“Beauty is used to sell everything around us, and beauty can also help us spread a message of equality,” lahad ng beauty queen.

-Associated Press