NABIGYAN ng pag-asa ang halos 40 taon nang hiling para sa bakuna sa AIDS nitong Sabado, nang ihayag ng mga mananaliksik na nailigtas ng kinukumpleto nilang gamot ang mga unggoy na pinag-eeksperimentuhan mula sa impeksiyon.

Ligtas umano ito para sa mga tao, at nakapasa sa unang trial. Ngayon ay sasailalim na ito sa susunod na phase ng pre-approval trial process, at ipapasubok sa 2,600 babae sa katimugang Africa, para makita kung napipigilan ba nitong mahawa ng HIV infection ang isang tao.

Habang ang resulta ay nakaeengganyo at may tsansang maging matagumpay, binalaan ng research team at ng mga ekspertong hindi sangkot sa eksperimento na hindi pa garantisado kung talagang tatalab ang bakuna sa next trial phase, na tinawag na HVTN705 o “Imbokodo” — salitang isiZulu para sa “rock”.

“Although these data are promising, we need to remain cautious,” sabi ng study leader na si Dan Barouch, propesor sa Harvard Medical School, sa AFP.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Just because it protected two-thirds of monkeys in a lab trial doesn’t mean the drug will protect humans, and thus we need to await the results of the… study before we know whether or not this vaccine will protect humans against HIV infection,” aniya.

Ang resulta ng Imbokodo trial ay inaasahan sa 2021 hanggang 2022.

“This is only the fifth HIV vaccine concept that will be tested for efficacy in humans in the 35+ year history of the global HIV epidemic,” sabi pa ni Barouch.

Tinatayang 37 milyong katao ang namumuhay nang may HIV/AIDS, ayon sa World Health Organization (WHO).

Aabot naman sa 1.8 milyon ang naitatalang bagong impeksiyon at isang milyong pagkamatay taun-taon.

Halos 80 milyong katao ang tinatayang kontaminado ng impeksiyon simula nang unang madiskubre ang virus noong early 1980s.

Samantalang , aabot na sa 35 milyon ang binawian ng buhay.