ISLAMABAD/LAHORE (Reuters) – Nakatakdang bumalik sa Pakistan nitong Biyernes ang pinatalsik na si Pakistani Prime Minister Nawaz Sharif at anak na si Maryam, kapwa hinatulan ng mahahabang taon sa kulungan, sa high-stakes gamble para patatagin ang kanilang partido bago ang halalan sa Hulyo 25.

Pinakilos ng mga awtoridad ang mahigit 10,000 pulis para salubungin ng posas ang mag-ama. Susuwayin ng mga tagasuporta ng Pakistan Muslim League-Nawaz (PML-N) party ni Sharif ang ban sa lahat ng public rallies at magmamartsa patungo sa Lahore airport, kung saan lalapag ang dating prime minister.

Magbabalik si Sharif mula sa Britain isang linggo matapos ibaba ng anti-corruption court ang sentensiyang 10-taong jail term sa pagbili ng mamahaling apartment sa London at hinatulan ang kanyang anak na babae at political heir ng pitong taong pagkabilanggo.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'