Naisalba ng PLDT ang Cignal, 22-25, 27-25, 20-25, 25-22, 15-11, para maipuwersa ang do-or-die match sa men’s semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

Nakabawi sina Mark Alfafara at skipper John Vic de Guzman sa masamang laro sa first game sa naiskor na tig-24 puntos para maihila ng Ultra Fast Hitters ang kampanya sa Game Three sa Biyernes.

“Bunga ‘yan ng preparation, off kami last time nawalan kami ng pasa this time we made sure na maco-cover namin ang mga lapses noong nakaraan so it paid off naman,” pahayag ni PLDT coach Odjie Mamon.

“Walang momentum-momentum, pagdating kasi ng ano depende na sa condition ng player kung paano ang gising nila. Hopefully makakapag-rest kami tomorrow,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag sina Henry Pecana at Jayvee Sumagaysay ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna si Marck Espejo sa Cignal na may all-around game na 24 puntos, 16 digs at 17 excellent receptions, habang kumana ang Team captain na si Ysay Marasigan ng 17 markers at m,ay 11 puntos si Rex Intal.

Samantal, ginapi ng Vice Co.ang Air Force, 25-22, 16-25, 25-23, 29-31, 17-15, para mahila rin ang kanilang duwelo para sa third palce sa Game 3.