Muling itinakda ng gobyerno sa huling bahagi ng Agosto, mula sa Hulyo, ang groundbreaking ng malawakang development para sa pagbangon ng Marawi City matapos mabigo ang mga negosasyon sa China-led consortium.

Ipinahayag ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chair Eduardo del Rosario na hindi naging matagumpay ang negosasyon ng gobyerno sa Bangon Marawi Consortium (BMC) para sa P16 bilyon Marawi development matapos mabigo itong maabot ang financial, technical, at legal requirements.

Kaya’t sinimulan ng gobyerno ang pakikipagnegosasyon sa isa pang Chinese group, ang Power Construction Corporation of China (PowerChina), bilang potensiyal na developer ng Marawi.

“Unfortunately, we could not meet that indicative timeline because we had an unsuccessful negotiation with the Bangon Marawi Consortium and now we are on the process of negotiating with the next in line, which is the China Power,” lahad ni Del Rosario sa press briefing sa Palasyo.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“So with this new development, we could not undertake the groundbreaking this month so instead it will be on third or fourth week of August,” aniya pa.

-Genalyn D. Kabiling