Steph Curry, darating sa Manila sa Sept. 6
MAGHANDA at muling magdiwang sa pagbabalik sa Manila ni Golden State Warriors two-time MVP Stephen Curry.
Sa mensahe sa Twitter ng Under Armour News, pasasayahin ni Curry ang Pinoy basketball fans sa kanyang pagbisita sa ikalawang pagkakataon sa Manila sa Setyembre 6 – bilang bahagi ng kanyang Asian Tour upang ipakilala ang Curry 5 signaure basketball shoes.
“4 years. 3 World Championships. 2 MVPs. @StephenCurry30 continues to work hard each day to prepare for next season. And on September 5, @UABasketball will bring him, his mindset and his will to win to the Philippines, China and Japan. Manila, Wuhan and Tokyo – get ready!,” pahayag ng AU sa Twitter@UAnews.
Nakamit ni Curry at ng GS Warriors ang isa pang dominanteng kampanya sa NBA sa nakalipas na season matapos walisin ang Cleveland Cavaliers sa 2018 NBA Finals.
Ito ang ikalawang pagkakataon na bibisita si Curry sa Manila. Una siyang bumisita sa kaparehong promotional tour noong 2015.
‘You’ve still got to beat us’! Curry
Samantala, walang kargang alalahanin si Curry sa kasalukuyan.
Masaya ang defending NBA champ sa pagsilang ng ikatlong supling, habang nanatiling matatag ang Golden State Warriors sa muling pagpirma ng kontrata ni Kevin Durant at ang pagsapi ng bagong teammate na si DeMarcus Cousins. At sa kabila ng katotohanan na makakaharap niya si LeBron James sa Western Conference, kumpiyansa si Curry sa hinaharap ng Warriors.
Ipinagkibit-balikat lamang ni Curry ang opinyon nang ilan na ang pagkuha ng Warriors kay Cousins ay nakasisira sa NBA. Ang pagsapi ni Cousins, nagpapagaling pa sa tinamong pagkapunit ng Achilles, ay magtatampok sa limang All-Stars sa Golden State.
So everybody says how we’re ruining the NBA – I love that phrasing; it’s the dumbest phrase ever. We are always trying to find a way to get better. If we were just happy with winning a championship and staying stagnant, we wouldn’t be doing ourselves justice. Obviously with KD (Kevin Durant signing in 2016), with DeMarcus this summer, with the bench guys that we’ve been able to sign, everybody is trying to get better and we just happen to be the ones who set the pace and set the narrative around how you need to structure your team to beat us,” pahayag ng 30-anyos na si Curry.
Malaki ang tyansa ng Warriors na muling madomina ang NBA tangan ang matikas na lineup, subalit iginiit ni Curry na hindi makabubuti sa isang koponan kung hindi gagawa ng pagbabago sa kabila nang tagumpay na tinamaa nito sa nakalipas na season.
Tunay na sopresa ang pagkuha ng Warriors kay Cousins, ngunit ang pinakamalaking istorya sa off-season ay ang paglipat ng James sa Los Angeles Lakers matapos lisanin ang Eastern Conference sa unang pagkakataon.
Nagpapalakas ng todo ang Lakers sa pagkuha kay James, gayundin kina dating Warriors center JaVale McGee, Lance Stephenson at Rajon Rondo. Tunay na isang malakas na koponan ang Lakers ngayong season sa pagdating ni James, ngunit hindi ito ikinabahala ni Curry.
“I don’t know what they’re going to be as a team, because obviously it’s brand new and they don’t have their identity. But at the end of the day they’ll come together with LeBron leading the charge… It’s going to be fun for fans, playing (more) in the regular season and who knows in the playoffs. So the West obviously got stronger with LeBron but you’ve still got to beat us,” aniya.