Inihayag ni Public Works Secretary Mark Villar na sisimulan na ang pagtatayo ng Estrella-Pantaleon at Binondo-Intramuros bridges, sa susunod na linggo, na bahagi ng master plan upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa mga kasalukuyang tulay.

Aniya, bilang pangunahing bahagi ng programang ito, plano nilang dagdagan ang mga tulay sa buong bansa at kumpunihin ang mga lumang tulay.

Ang dalawang China grant-aid bridge ay sa bisa ng bilateral agreement ng Pilipinas sa China.

“The implementation of these bridges is scheduled to begin next week and will be accessible to the public by 2020,” pahayag ni Villar.Ang 506-46-metrong Estrella-Pantaleon Bridge ay mag-uugnay sa Estrella Street sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong City. Ang haba nito ay 506.46 metro.Ang 734-metrong Binondo-Intramuros Bridge naman ay mayroong apat na lane carriageway at tatlong metrong sidewalk sa magkabilang panig. Ito ay tatawid sa Pasig River at isa pang daan na mag-uugnay sa Intramuros at Binondo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

-Mina Navarro